650 kilo ng sangkap sa paggawa ng shabu narekober ng mga otoridad sa Pasig City
Arestado ang dalawang lalaki, kabilang ang isang Korean national matapos mahulihan ng mga sangkap sa paggawa ng shabu sa Barangay San Antonio na sakop ng Ortigas, Pasig City.
Nakilala ang mga suspek na si Marvin Yu na half Pinoy, half Chinese; at Jeong Hee Kim na isa namang Korean national.
Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) chief, Director Guillermo Eleazar, unang naaresto si Yu sa hiwalay na operasyon sa Caloocan City.
Itinuro naman ng nabanggit na suspek si Kim na isa umanong chemist.
Nagsagawa ng followup operation ang mga otoridad sa parking area sa Garnet Street, kung saan nakatago ang ephedrine na gamit sa paggawa ng shabu. Doon din naaresto si Kim.
Nasamsam ang nasa 650 kilos ng kemikal na tinatayang nagkakahalaga ng P2.4 bilyong piso.
Inaalam na ng mga otoridad kung miyembro ba ang mga suspek sa mas malaking sindikato ng droga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.