Batang may behavioral problem naglaro sa kalagitnaan ng general audience ni Pope Francis
Hinayaan lamang ni Pope Francis ang isang batang lalaki na maglaro sa stage habang nagaganap ang kanyang general audience sa Vatican.
Habang binabasa ng mga monsignor ang kanilang catechism lesson ay umakyat sa stage, kung saan naroon din ang Santo Papa, ang anima na taong gulang si Wenzel Wirth.
Anim na taong gulang si Wirth at mayroong speech at behavioral problems.
Sinundan ng kanyang ina sa stage ang bata at sinubukang pababain. Ngunit sinabi ni Pope Francis na hayaan lamang ang bata na maglaro dito.
Nang magsalita na ang Santo Papa, sinabi nito na sa pagiging malaya ng bata ay napag-isip din siya kung malaya ba ang isang tao kung wala ang Diyos sa kanyang buhay.
Nag-alay din ng panalangin si Pope Francis para sa bata.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.