LOOK: Mga simbahan at paaralan nakilahok sa Red Wednesday campaign
Sa ikalawang taon, muling inilawan ng kulay pula ang mga simbahan at Catholic schools sa bansa bilang paggunita sa Red Wednesday.
Ang Red Wednesday Campaign ay inilunsad ng grupong Church in Need (ACN) bilang pagpapakita ng pagkakaisa laban sa nagaganap na pang-uusig sa mga Kristiyano sa iba’t ibang bansa.
Maraming ecclesiastical territories at mga paaralan ang lumahok sa naturang aktibidad kahapon.
Sa Manila Cathedral, tampok sa selebrasyon ang pangunguna ni Fr. Chito Suganob sa misa para sa ispesyal na araw na ito.
Si Suganob ang pari na dinukot ng Maute Terror group sa kasagsagan ng giyera sa Marawi noong nakaraang taon.
Sa kanyang homilya, ibinahagi ni Fr. Suganob ang karanasan bilang direktang biktima ng pang-uusig kaya’t ispesyal anya para sa kanya ang pagdiriwang ng Red Wednesday.
Sa naganap na panghohostage anya ng Maute Terror group sa kanya ay wala siyang nagawa kundi ang magdasal.
Matapos ang misa ay naganap ang seremonyal na pag-iilaw ng pula sa simbahan at ang communal prayer para sa persecuted Christians.
Narito ang ilan mga simbahang nakilahok sa Red Wednesday Campaign:
Manila Cathedral-Basilica
Immaculate Conception Cathedral of Cubao
National Shrine of Our Mother of Perpetual Help / Baclaran Church
National Shrine of Our Lady of the Most Holy Rosary of Manaoag
National Shrine of Our Lady of Fatima
San Carlos Seminary
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.