Patay ang isang Pilipina matapos mapaulat na tumalon mula sa bahay ng kaniyang amo sa Kuwait.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), sinabi ng Embahada ng Pilipinas sa Kuwait na nakikipag-ugnayan na sila sa mga otoridad na nagsasagawa ng imbestigasyon sa pagkamatay ng household service worker.
Batay sa impormasyon mula kay Chargé d’Affaires Noordin Lomondot, tumalon ang Pinay mula sa ikatlong palapag ng bahay ng kaniyang amo sa Sabahiya noong araw ng Martes, November 27.
Hindi naman pinangalanan ng kagawaran ang namatay na Pinay worker.
Tiniyak naman ng kagarawan sa pamilya ng Pinay worker ang pagbibigay ng tulong para maiuwi sa Pilipinas ang mga labi nito.
MOST READ
LATEST STORIES