Sinabi ng Commission on Human Rights na labag sa prinsipyo ng International Humanitarian Law ang pagbuo ng death squad kontra sa mga kalaban ng gobyerno.
Ayon kay CHR Chairman Jose Luis Martin Gascon, sa ilalim ng IHL ay pinapayagan lamang na makipaglaban sa mga tinaguriang enemy of states ay ang mga law enforcement agencies at militar.
Pahayag ito ng ahensya matapos sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na bubuo ito ng sariling death squad pantapat sa Sparrow Unit ng New People’s Army.
Kinikilala ng CHR ang obligasyon ng gobyerno na protektahan ang mga mamamayan mula sa karahasan at terorismo.
Pero paalala ng ahensya, dapat ay alinsunod ito sa “due process at rule of law.”
Ang pagtatanggol umano sa mga tao ay dapat na alinsunod sa batas ng Pilipinas at prinsipyo ng IHL.
Una rito ay sinabi ng Pangulo na papangalanan niyang “Duterte Death Squad” ang ipantatapat niya sa sparrow unit ng NPA na pumapatay sa mga tao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.