Bersamin: Hindi ako tao ng Malacañang

Inquirer file photo

Tiniyak ng bagong talagang chief justice ng Supreme Court na si Lucas Bersamin na mananatili ang judicial independence sa ilalim ng kanyang liderato.

Ginawa ni Bersamin ang pagtiyak sa isang pulong balitaan sa Supreme Court kasabay ng pagpaparating kay Pangulong Rodrigo Duterte ng kanyang pasasalamat sa pagpili sa kanya bilang bagong punong mahistrado ng Korte Suprema.

Sinabi ni Bersamin na bagaman mahirap na bigyan ng interpretasyon ang independence, pero kung batas ang pag-uusapan ay itinuturing niya ang kanyang sarili na independent.

Nilinaw din ni Bersamin na bagaman nagpapasalamat siya sa pangulo ay hindi ito nangangahulugan na may utang na loob ito dito.

Pinabulaanan din ni Bersamin na malapit siya sa Malacañang dahil sa pagpabor nito sa marami sa mga kaso ng administrasyon kabilang ang paglilibing sa Libingan ng mga Bayani kay dating Pangulong Ferdinand Marcos, pagdedeklara at pagpapalawig ng martial law sa Mindanao at pagpapa-aresto sa kritiko ng pangulo na si Sen. Leila De Lima.

Iginiit ni Bersamin na hindi nga daw niya personal na kakilala o naka-usap kahit minsan ang pangulo at hindi niya ito ibinoto sa eleksyon.

Read more...