Malacañang todo-puri sa nagbitiw na pinuno ng OPAPP

By Chona Yu November 28, 2018 - 05:04 PM

Inquirer file photo

Hindi naiwasan ng Malacañang na purihin si dating Presidential Adviser on the Peace Process Jess Dureza  dahil sa pag-ako ng responsibilidad at ang paghingi ng tawad dahil sa mga pagkakamali ng dalawa niyang tauhan na nasangkot sa korupsyon.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ang ginawa ni Dureza ay isang magandang halimbawa ng delicadeza at pagpapakita ng isang matinong lider.

Pinasalamatan din ng palasyo si Dureza sa serbiysong ibinigay  sa bansa, kung saan tinulungan niya si Pangulong Duterte sa pagsulong ng kapayapaaan.

Si Duterte ay kilalang malapit na kaibigan ng pangulo at isa sa mga orihinal na miyembro ng kanyang gabinete.

Kasabay nito, nagbabala ang malakanyang na ang pagsibak ng pangulo kina OPAPP Usec. Ronald Flores, at Asec. Yeshter Donn Baccay ay patunay na walang pinipili o inaabswelto ang Duterte Administration sa laban nito kontra sa katiwalian.

Wala aniyang sasantuhin ang administrasyon sa paglaban sa kurapsyon.

TAGS: duterte, Jess Dureza, opapp, duterte, Jess Dureza, opapp

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.