Malacañang nagpasalamat sa pagkumpirma ng C.A kay Locsin

By Chona Yu November 28, 2018 - 04:33 PM

Inquirer file photo

Welcome sa Malacañang ang pagkakalusot ni Foreign Affairs Sec. Teddy Locsin Jr. sa makapangyarihang Commission on Appointments.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, kumpiyansa ang palasyo na isusulong ni Locsin ang independent foreign policy ni Pangulong Duterte.

Tiwala aniya ang palasyo sa titiyakin ni Locsin na matiyak ang kapakanan at proteksiyon ng milyong-milyong Overseas Filipino Workers sa buong mundo.

Bilang isang abogado, sinabi ni Panelo na natitiyak nilang isasaprayoridad ni Locsin ang interes ng mga Filipino community lalo na ang soberensiya ng ng estado.

Kanina ay inabot lamang ng kalahating oras ang deliberasyon ng Commissio on Appointments at kaagad rin nilang pinagtibay ang interim appointment ni Locsin.

TAGS: commission on appointments, DFA, duterte, foreign policy, locsin, panelo, commission on appointments, DFA, duterte, foreign policy, locsin, panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.