Appointment ni Locsin sa DFA mabilis na pinagtibay ng CA

By Jan Escosio November 28, 2018 - 03:09 PM

Photo: Jan Escosio

Agad nakalusot at nakumpirma sa Commission on Appointment (CA) ang ad interim appointment ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr.

Kalahating oras lang na tumagal ang confirmation hearing kay Locsin dahil walang kumontra sa kanyang appointment.

Nagsilbing kinatawan ng Makati City sa Kamara  si Locsin at may tradisyon sa CA na hindi na pahirapan pa ang mga mambabatas na naitatalaga ng Malakanyang.

Gayunpaman ilang miyembro ng CA ang nagtanong pa rin kay Locsin ang mga isyu sa China lalo na ang sa agawan ng teritoryo.

Direktang sinagot naman ni Locsin ang tanong at aniya

isusulong niya ang mas mahigpit na koordinasyon sa pagitan ng Coast Guards ng Pilipinas at China.

Pagdidiin pa nito hindi isusuko ang karapatan ng bansa sa mga pinag-aagawang bahagi ng West Philippine Sea at ipaglalaban ng gobyerno ang pumabor sa Piliipinas na desisyon ng International Arbitral Tribunal.

TAGS: commission on appointments, DFA, locsin, Senate, commission on appointments, DFA, locsin, Senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.