Christmas break sa mga paaralan pinaaga ng DepEd

Nagpasya ang Department of Education o DepEd na paagahin ang petsa ng Christmas break sa mga paaralan sa buong bansa.

Sa DepEd order no. 049 na pirmado ni Secretary Leonor Briones, inaamyendahan ang DepEd order no. 25 para sa school calendar for school year 2018-2019.

Nakasaad sa bagong direktiba na sa halip na sa December 22, 2018 ang simula ng Christmas break, gagawin na itong December 15, 2018.

Ayon sa DepEd, binibigyang-halaga nila ang importansya ng pagsasama-sama ng mga magkakapamilya ngayong holiday season.

At ang Kapaskuhan ay pagkakataon para makapiling ng mga mag-aaral ang kani-kanilang mahal sa buhay.

Samantala, ang klase naman sa mga eskwelahan ay magreresume o magbabalik sa January 2, 2019.

Ang huling araw ng klase ay hindi naman binago at nananatili sa petsang April 5, 2019.

Read more...