Mga abogado ni Lowell Menorca pinagmulta ng hukuman

Lowell-Menorca
Inquirer file photo

Sumailalim na sa Cross examination sa Court of Appeals si Jinky Otsuka, asawa ng itiniwalag na Iglesia ni Cristo Minister na si Lowell Menorca.

Sa pagtatanong ni Atty.Salvador Peña, abogado ng INC ay lumitaw na nakalalabas naman sa tinutuluyan nilang apartment sa INC Central compound sa Quezon City ang mga complainants.

Inamin din ni Jinky na nakapunta pa sila kasama ng ibang pamilya sa Philippine Arena sa Bocaue Bulacan.

Subalit sa redirect examination ni Atty. Trixie Angeles, abogado ng mga Menorca ay sinabi ni Jinky na nakakalabas nga sila sa INC Central compound pero kasama ang dalawang lalaki at isang babaeng security personnel ng Iglesia ni Cristo.

Magugunitang hindi agad nakapagsimula ang cross examination kanina dahil nagdebate pa ang dalawang panig kung bakit hindi sumunod ang kampo ng mga Menorca na magsumite ng mga karagdagang affidavit na una nang napagkasuduan sa korte.

Dahil dito ay pinagmumulta ng Court of Appeals ang mga abugado ng mga Menorca ng P2000 dahil sa hindi pagsunod sa utos ng Appellate Court.

Read more...