Isang division ng mga sundalo sa Jolo, Sulu dapat nakapwesto na sa December 1 – Pang. Duterte

By Chona Yu November 28, 2018 - 01:25 PM

Inatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte si Defense Secretary Delfin Lorenzana na italaga na ang isang division ng mga sundalo sa Jolo, Sulu.

Sa talumpati ng pangulo sa Carmen Bohol, sinabi nito na dapat ay nakapwesto na ang mga sundalo sa Jolo pagsapit ng December 1.

May dala din aniyang glock na baril ang mga sundalo bilang kanilang side arm.

Paliwanag ng pangulo, magdadag siya ng puwersa ng mga sundalo sa Jolo dahil sa patuloy na paghahasik ng kaguluhan ng mga armadong grupo sa lugar.

Hindi lang aniya isang company o isang batalyon o isang regiment ng mga sundalo ang ipadadala niya sa Jolo kundi isang division.

Aabot sa apat hanggang anim na libong sundalo ang bumubuo sa isang division.

TAGS: December 1, Isang division ng mga sundalo, Jolo Sulu, Pang. Duterte, December 1, Isang division ng mga sundalo, Jolo Sulu, Pang. Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.