Joma Sison, nagbabala kaugnay sa plano ni Pangulong Duterte na bumuo ng armed group kontra NPA

By Jimmy Tamayo November 28, 2018 - 10:28 AM

Inquirer.net File Photo

Nagbabala si Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Maria Sison kaugnay ng plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na bumuo ng isang armed group na lalaban sa New People’s Army.

Sa isang panayam, tinawag ni Sison na “dangerous proposal” ang balakin na nagbibigay aniya ng kapangyarihan sa militar na patayin ang mga hinihinalang miyembro ng kilusang komunista o mga sparrow.

Nilinaw din ni Sison na matagal na walang umiiral na sparrow unit sa kilusan na nabuhay noong dekada ’70 at ‘80.

Tinawag pa ng CPP leader na imbento lang ni Pangulong Duterte ang nasabing grupo para bigyang katwiran ang sariling death squads.

Iginiit pa ni Sison na hindi nalalayo sa anti-drug campaign ng gobyerno na “Oplan Tokhang” ang nasabing plano kung saan maaari umanong iligpit ang mga pinaghihinalaang rebelde.

TAGS: “dangerous proposal”, Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Maria Sison, dds, new people's army, Oplan Tokhang, Pangulong Duterte, wala ng umiiral na sparrow unit., “dangerous proposal”, Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Maria Sison, dds, new people's army, Oplan Tokhang, Pangulong Duterte, wala ng umiiral na sparrow unit.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.