Bagong media campaign inilunsad ng PAGCOR

By Ricky Brozas November 28, 2018 - 10:54 AM

Binigyang-linaw ngayon ng Philippine Amusement and Gaming Corporation o PAGCOR ang mahalagang papel na ginagampanan sa pagpapatatag ng bansa o nation-building.

Ayon kay PAGCOR chairman and ceo Andrea Domingo, naikabit na sa paningin ng publiko ang pagsusugal at casino ngunit habang pinangangasiwaan nito ang mga games of chance, ay naisasantabi o nalilimutan ng publiko ang pinakamahalagang mission nito – ang tumulong upang mapatatag ang bansa sa pamamagitan ng pagkalap ng salapi o kita para sa pamahalaan.

Kaugnay nito ay inilunsad ngayon ng PAGCOR ang pinaigting ay communication campaign o bagong media campaign na dito ay gagamitin ang media – print, broadcast, online and social media upang marating o maiparating sa publiko ang tunay na mandato ng PAGCOR.

Tatagal ito hanggang sa 2019.

Ayon kay Domingo, layon nito na maipabatid sa sambayanan ang mga programa ng ahensiya na magpapaangat sa buhay ng mga kapus-palad na Filipino.

TAGS: Bagong media campaign, pagcor, PAGCOR chairman and ceo Andrea Domingo, Bagong media campaign, pagcor, PAGCOR chairman and ceo Andrea Domingo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.