Kasunduan ng Pilipinas at China sa exploration sa West Philippine Sea iimbestigahan ng Kamara

By Erwin Aguilon November 28, 2018 - 10:43 AM

Kuha ni Chona Yu

Nakatakdang ipatawag ng House Committee on Foreign Relations si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin kaugnay sa pinasok na kasunduan ng bansa China may kinalaman sa West Philippine Sea exploration.

Ayon kay Quezon City Rep. Feliciano Belmonte, nais nilang masuri ang nilalaman ng pinasok na memorandum of understanding para sa gas at oil exploration.

Ayon kay Belmonte, nakatanggap na sila ng kopya na ipinadala ng tanggapan ng kalihim.

Kumukuha lamang anya sila ng timing kung kailangan ang gagawing pagdinig dahil sa schedule ng kalihim.

Paliwanag ni Belmonte, mahalaga na pag-aralan ang nilalaman ng kasunduan dahil nakasalalay dito ang interes ng bansa.

Hindi naman mag iimbita ang Kamara ng kinatawan ng China sapagkat ayon katly Belmonte hindi ang mga ito papayag na humarap sa Kamara.

TAGS: Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, House Committee on Foreign Relations, Kasunduan ng Pilipinas at China sa exploration, Quezon City Rep. Feliciano Belmonte, West Philippine Sea, Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, House Committee on Foreign Relations, Kasunduan ng Pilipinas at China sa exploration, Quezon City Rep. Feliciano Belmonte, West Philippine Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.