$5Million na pekeng salapi nakumpiska sa Negros

By Den Macaranas November 11, 2015 - 05:10 PM

A bank employee displays US dollar (L) and Philippine notes (R) in Manila on August 3, 2011.Philippine President Benigno Aquino said August 3, the US dollar's weakness could be starting to hurt the Philippines, with domestic inflation a key concern.The Philippine peso has appreciated by about seven percent against the greenback this year, to 42.34 to the dollar on August 3 morning trade. AFP PHOTO / TED ALJIBE
Inquirer file photo

Nahuli ng mga pulis sa bayan ng Murcia Negros Occidental ang sinasabing mga nasa likod ng pagpapakalat ng mga pekeng U.S Dollar bills sa nasabing lalawigan.

Nahaharap sa kasong illegal possession of false treasury bank notes ang mga suspek na sina Erwin Sicano, 31-anyos at Frelie Toledano na pawang mga residente sa nasabing lugar.

Sa inisyal na report, sinabi ni Supt. Levy Pangue, hepe ng Investigation and Detection Management Unit ng Bacolod City PNP na matagal na silang nakatatanggap ng mga reklamo kaugnay sa mga pekeng US Dollars na nagkalat sa Bacolod City at mga kalapit na lugar.

Kaagad na bumuo ng isang team ang nasabing opisyal at pinag-aralan ang galaw ng grupo ni Sicano.

Sa bisa ng isang search warrant ay kanilang sinalakay ang kuta ng mga suspects at doon nila nakuha ang mga pekeng dolyar kung saan umaabot ang halaga sa $5Million.

Sa kasalukuyan ay inaalam na ng mga otoridad kung saan ginagawa o kung sino ang source ng nasabing mga pekeng salapi.

TAGS: bacolod city, Dollars, Fake money, bacolod city, Dollars, Fake money

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.