Most hilarious movie ng taon showing na

Bagay na bagay sa mga matitikas na lalaki ang kauna-unahang pelikula ni Marius Talampas na “Ang Pangarap Kong Holdap,” produced by Mavx Productions.

Pinagbibidahan nina Pepe Herrera, Jerald Napoles, Jelson Bay, at Paolo Contis. Kasama rin ang veteran actor na si Pen Medina. Laugh-out-loud ang mga audience sa bawat eksena at sa bawat linyang binabato ng characters.

Ipinakita sa pelikula na ang pagnanakaw ay isang uri ng trabaho. Sa pagnanakaw, mayroong top 1 at mayroon ding kulelat. Isa sa magagaling na magnanakaw sa kanilang lugar ay ang character ng veteran actor. Ang pelikula ay kwento ng tatlong miyembro ng grupo (played by Pepe, Jerald, Jelson) na naghahangad na maging top one pagdating sa pagnanakaw hanggang sa dumating sa buhay nila ang isang misteryosong karakter played by Paolo.

Walang sapawang naganap sa pagitan ng mga mahuhusay na komedyante. Naging natural sa kanila ang mga linya na kanilang binibitawan.

Kwento ng isa sa mga bida na si Pepe, masayang masaya sila sa set at naging komportable dahil sa iisa ang kanilang layunin, ang patawanin ang mga manonood.

Sabi naman ng direktor, noong una raw ay iniisip nyang baka hindi sundin ng kanyang mga artista ‘yung “comedy” na gusto nya ngunit nirespeto naman daw sya ng mga ito at naniwala sa kanya bilang first-timer director.

Sunud-sunod naman ang mga pelikula ni Paolo dahil bida rin sya sa isang romance film with Alessandra de Rossi na creative consultant ng hilarious movie ng taon.

Makikitang may “film language” ang direktor dahil sa ganda nang itinakbo ng pelikula. Maayos din ang pagkakalapat ng tunog. Tama ang tipla ng biswal.

Bukod sa mga nakakatawang eksena, ang pelikula ay may baon ding leksyon sa mga manonood.

Humagalpak sa kakatawa simula ngayong araw, “Ang Pangarap Kong Holdap” showing na!

Read more...