449 na bagong pulis ng NCRPO dumaan sa matinding pagsasala

By Jan Escosio November 28, 2018 - 08:31 AM

NCRPO Photo

Kumpiyansa si National Capital Region Police Office Director Guillermo Eleazar na nasala ng husto ang 449 bagong miyembro ng kanilang puwersa.

Ipinanumpa ni Eleazar ang mga bagong pulis, 314 lalaki at 125 babae, sa isang seremonya sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Ayon kay Eleazar pinagtibay nila ang kanilang recruitment and selection policy kaya’t tiwala ito na walang maliligaw ng landas sa mga bagong pulis.

Ngunit sa kanyang mensahe, ipinaalala ni Eleazar ang mga kalokohan ng mga bagitong pulis kayat umaasa ito na ang talagang disiplinado ang mga bagong pulis.

Magiging permanente lang ang mga rookie cops kapag nakalusot sila sa isang taon na disciplinary training.

Aniya kailangan pa rin subukan ang kakayahan ng mga bagong pulis sa pagpapatrulya, pag-iimbestiga at pagsasaayos ng trapiko.

TAGS: Mass Oathtaking Ceremony of the Newly Appointed Policemen, NCRPO, oath taking, Mass Oathtaking Ceremony of the Newly Appointed Policemen, NCRPO, oath taking

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.