Kailangang ulit-ulitin ang mensahe – sa OFF CAM ni ARLYN DELA CRUZ
Kung ang isang kasinungalingan na paylit-ulit na nadidinig ay nagiging tunog katotohanan, bakit hindi ulit-ulitin ang pagbanggit sa isang katotohanan na marami ang tila nakalilimot?
I am referring to the cases of HIV and AIDS in the Philippines. Kayo na ang mag-check, nasabi na Department of Health, pabata nang pabata ang mga nagkakaroon ng HIV na kadalasan nagtutuloy-tuloy sa AIDS dahil sa kawalan ng medikal na atensiyon.
Kamakailan din, iniulat ng DOH na ang may mga OFWs, kalimitan, mga seaman o seafarers ang nag-positibo sa HIV. Sila’y naging pusita, pusit, pusit na pusit.
Ang hindi nila alam, at mensaheng dapat na ulit-ulitin, kapag hindi nalalapatan ng kaukulang medikal na atensiyon, doon maaarin lumala ang kalagayan ng person with HIV. Maaaring magtuloy sa AIDS. Kabaliktaran kapag may karampatang medikal na atensiyon.
Yung magagawa mo ang mga bagay na nais mong gawin basta’t regular na nakatatanggap ng medikal na atwnsiyon sa mga institusyong tulad ng San Lazaro General Hospital at Research Institute for Tropical Medicine o RITM.
Isinulat ko ang Pusit at ginawa itong isang pelikula sa ilalim ng Blank Pages Productions katuwang ang Pantominq Films ni Maria Teresa Cancio bilang Executive Producer upang maging dagdag na tinig na maghahatid ng mensahe tungkol sa HIV at AIDS.
Ang mensahe-may pag-asa, may pagmamahal, tuloy ang buhay.
Tatlong kaibigan ko ang nasawi dahil sa AIDS. Hindi kailangang maging ganoon ang ending ng kuwento ng mga taong nag-positibo sa HIV.
Puwedeng labanan. Dapat lumaban.
Ang pelikulang Pusit ay palabas sa UPFI-Cine Adarna sa December 1, alas siyete ng gabi bilang paggunita sa World AIDS Day.
Tampok sa pelikula sina Jay Manalo, Rollie Quizon, Kristofer King, Lehner Mendoza, JM Santos, Joel Saracho, Rollie Inocencio, Rina Reyes, Angelina Kanapi, Tere Gonzales, Mike Liwag, Zyrus Imperial, Bibo Bayona, Majalyn Fuentes, Star Orjaliza, Rose Cabrales, Jasper Ugali, Belle Dominguez, Jacklyn Berbon, Juvan Bermil at Ms. Elizabeth Oropesa.
Personal ang mensahe ng kolumn na ito ngayon sapagkat silang tinatawag na Pusit, kakilala mo, kaibigan mo. Kailangan nila ang pang-unawa at tulong mo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.