Ngayon pa lamang ay humihingi na ng paumanhin sa publiko si PNP Chief Ricardo Marquez kaugnay sa ilalatag na security measures sa buong Metro Manila kaugnay sa gaganaping APEC summit sa susunod na linggo.
Bukod sa pagdaragdag ng mga checkpoints, sinabi ni Marquez na magpapakalat din siya ng mga tauhan ng PNP sa mga matataong lugar sa Metro Manila.
Ipinaliwanag din ng opisyal na may mga sinusunod na international protocols sa pagbibigay ng seguridad sa mga darating na economic leaders at kabilang na dito ang dagdag na pwersa ng mga pulis.
Ang PNP ang siyang naatasan na pangunahan ang paglalatag ng security preparations para sa halos ay sampung libong mga delagado ng APEC na darating sa bansa.
Muli namang inulit ni Marquez na walang magaganap na signal jamming sa mga linya ng telepono tulad ng kanilang ginawa sa pagdalawa sa bansa noong Enero ni Pope Francis.
Nagpapatuloy naman ang ginagawang inspeksyon ng mga otoridad sa iba’t-ibang mga venues na paggaganapan ng mga pagpupulong pati na rin sa mga hotels na tutuluyan ng mga country leaders na dadalo sa APEC.