Survivorship benefits ng mga naulila ng mapapatay na hukom at mahistrado pasado na sa Kamara

By Erwin Aguilon November 28, 2018 - 01:05 AM

Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang panukalang batas na nagbibigay ng benepisyo sa mga naulila ng mga mapapatay na hukom at mahistrado.

Sa botong 177 na ‘yes’ at zero na ‘no’ pumasa ang House Bill No. 8121.

Sa ilalim ng panukala, bibigyan ng buwanang pensyon ang mauulilang asawa at anak ng mga mahistrado ng Korte Suprema, Court of Appeals, Sandiganbayan, at Court of Tax Appeals.

Ang mga mauulila ng mga hukom ng mga lower courts na mapapatay sa pagtupad ng tungkulin ay bibigyan din ng parehong benepisyo.

Bukod sa financial assistance, bibigyan din ng scholarship sa mga state universities and colleges ang dalawang anak ng mabibiktimang hukom at mahistrado.

Itinakda din nito na kapag may kaugnayan sa trabaho ang dahilan ng kamatayan ng mahistrado o hukom, tatanggapin ng pamilya nito ang kumpletong benepisyo na katumbas ng sa associate justice ng Korte Suprema, mahaba man o maiklo ang panahon ng kanilang naging serbisyo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.