Ilang mga Mahistrado pwedeng ma-impeach dahil sa EDCA ayon sa isang law expert

By Ricky Brozas November 11, 2015 - 04:16 PM

supreme-court
Inquirer file photo

Posible umanong ma-impeach ang mga mahistrado ng Korte Suprema dahil sa taliwas nitong naging paninindigan hinggil sa kontrobersiyal na Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA.

Iyan ang pananaw ng at International law expert at Human Rights lawyer na si Atty. Harry Roque. Ayon kay Roque, malinaw na ang EDCA ay isang tratado na nangangailangan ng pag-apruba ng kongreso para maging valid.

Matatandaang nilagdaan noong Abril ang EDCA sa pagitan nina Defense Secretary Voltaire Gazmin at US Ambassador to the Philippines Philip Goldberg na maituturing umano na isang executive agreement lamang dahil walang dahil hindi ito dumaan sa legislation.

Si Roque ay isa sa mga tumututol sa EDCA at naghain din noon ng petisyon sa Korte Suprema para ideklarang invalid o walang bisa ang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.

Una na ring pinaboran ng mayorya ng mga Senador ang resolusyon ni Senador Miriam Santiago na naglalayong ipawalang-bisa ang EDCA.

Ayon sa U.P Professor, ang pagpapatibay ng kataas-taasang hukuman sa kasunduan ay maaring magbunsod para ma-impeach ang mga mahistrado dahil sa culpable violation of the Constitution.

TAGS: EDCA, Roque, Supreme Court, EDCA, Roque, Supreme Court

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.