Paggamit ng automatic headlights on system ng mga motorsiklo pasado na sa Kamara

Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang panukala na magtatakda ng automatic headlights on systen para sa lahat ng motorsiklo.

Botong na ‘yes’ at zero na ‘no’ ang nakuha ng House Bill No. 8322 na naglalayong mabawasan ang aksidente sa motorsiklo.

Kapag naging batas, lahat ng motorsiklo ay kailangang mayroong automatic headlights on system para tuloy-tuloy na nakailaw basta umaandar.

Sa ilalim din ng panulala, nakasaad na hindi maaaring ibenta o mag-import ng motorsiklo na walang automatic headlights on system.

Pagmumultahin ang motorcycle rider na lalabag sa panukala kapag ito ay naging batas.

Bukod dito, maaari pang masuspinde ang driver’s license nito at ang mga manufacturers naman na hindi susunod ay maaring maharap sa pagkansela sa lisensya sa kanilang operasyon bukod pa sa kakaharaping multa.

Read more...