Plantsado na ang lahat na nilalaman ng Universal Health Care Bill kaya’t lumusot na ito sa Bicameral Conference Committee.
Ayon kay Senador JV Ejercito malaking tagumpay sa sambayanan kapag ganap na itong naging batas.
Aniya nagkasundo na ang mga miyembro ng dalawang Kapulungan na sundin ang naging mungkahi ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na bigyan insentibo ang mga may kontribusyon sa Philhealth.
Magugunita na sa unang bicameral meeting, pinansin ni Recto ang tila magkatulad lang na mga benepisyo ng mga may kontribusyon sa Philhealth at ang walang ibinabayad sa state health insurance dahil sa panukala.
Sinabi pa ng senador na sa panukala ang lahat ng Filipino ay maari ng magpagamot sa mga pampublikong pagamutan maging sa mga pribadong ospital na accredited ng Philhealth.
Dagdag pa ni Ejercito, sakop na rin ng UHC ang medical at dental check up, gayundin ang maintenance medicines ng mga senior citizens.
Umaasa na lang ito na bago sumapit ang araw ng Pasko ay napirmahan na ito ni Pangulong Duterte upang maging ganap na batas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.