Isang senador may agam-agam pa sa Mislatel

By Jan Escosio November 28, 2018 - 02:23 AM

Mula sa pagkakapili sa kanila hanggang sa mga isyung teknikal ay may pagdududa pa sa si Senador Grace Poe sa Mislatel, ang posibleng maging third major telco player sa bansa.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Public Services sa pamumuno ni Poe, nailahad ang mga kuwestiyon ukol sa naganap na bidding ng Department of Information and Communication Technology (DICT) at National Telecommunication Commission (NTC) at ang mga pangako ng Mislatel.

Nangangamba si Poe na dahil sa mga pagdududa ay umabot pa sa korte ang isyu at maaantala muli ang pagkakaroon ng bagong major telco player sa bansa.

Ngunit ang pangunahing interes ng senadora ay malinawan ang mga pangamba ukol sa seguridad ng impormasyon sa bansa dahil kasosyo ng Mislatel ang China Telecommunications, na pag-aari ng gobyerno ng China.

Ayon sa senadora hindi naman kaila na may mga interes ang China sa bansa kayat nararapat lang na protektahan din ng gobyerno ang pambansang interes.

Nadagdag pa ni Poe ang mga kuwestiyon sa prangkisa ng Mislatel na maari din makuwestiyon sa korte.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.