Inako ni Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) Secretary Jess Dureza ang responsibilidad sa umano’y korapsyon na bumabalot sa kanyang tanggapan.
Matatandaang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagbitiw ang opisyal dahil sa delicadeza.
Sa sulat ni Dureza sa pangulo, sinabi nitong siya ay masaya ngunit may kaunting kalungkutan dahil sa desisyon ng pangulo na sibakin ang dalawang opisyal ng OPAPP dahil sa isyu ng katiwalian.
Malungkot anya siya na ang kanyang ahensyang pinamumunuan ay kailangang magdusa dahil lamang sa kasalanan ng iilan.
“I truly am sad that OPAPP (Office of the Presidential Adviser on the Peace Process), as an institution which I head, had to suffer publicly due to the acts of a few,” ani Dureza.
Gayunman anya ay inaako niya ng buong responsibilidad ang isyu at boluntaryong nagbitiw sa pwesto upang maipatupad ng pangulo ang gusto nitong gawin sa OPAPP.
Sa kanyang sulat ay ikwinento rin ni Dureza kung paano siyang nangalap ng ebidensya laban sa mga opisyal na inaakusahan ng katiwalian.
Sinibak ni Pangulong Duterte sina Undersecretary Ronald Flores at Assistant Secretary Yeshter Donn Baccay.