Construction worker nahati ang katawan matapos mabagsakan ng elevator

By Rhommel Balasbas November 28, 2018 - 01:02 AM

Patay ang isang 38-anyos na contruction workers matapos mabagsakan ng kanyang ginagawang elevator sa isang shopping mall sa Zamboanga City.

Ayon kay Zamboanga City Police Station 11 Chief Insp. Elmer Solon, nakilala ang biktima na si Guillermo Barason Escapre, residente ng Barangay Mampang.

Ayon kay Solon, nahati sa dalawa ang katawan ni Escapre dahil sa pagbagsak sa kanya ng ginagawang elevator bandang alas-10:00 ng umaga ng Martes, November 27.

Pinutol umano ni Escapre ang kable ng elevator nang hindi nalalamang nakakabit pa ang ‘weight balancer’ nito na may bigat na 500 kilograms.

Matapos putulin ang kable ay dito na bumagsak sa kanya ang balancer na kanyang ikinasawi.

Sarado ang mall na kasalukuyang under construction.

Samantala, sinabi ng pulisya na iniimbestigahan na ang pangyayari upang malaman din kung nagkaroon ng foul play.

Naipaalam na sa pamilya ng biktima ang pangyayari.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.