Isang malinaw na imahe ang naipadala sa NASA ng kanilang spacecraft ilang minuto lamang matapos nitong lumapag sa planetang Mars.
Makikita sa litrato mula sa InSight spacecraft ang malawak at mabuhanging terrain ng nasabing planeta.
Lubos ang kasiyahan ng mga scientists ng NASA dahil sa naturang development, lalo na ang project manager na si Tom Hoffman.
Ito na ang ikawalong matagumpay na paglapag ng spacecraft ng NASA sa Mars simula noong 1976. 2012 nang huling lumapag doon ang Curiosity rover na hanggang sa ngayon ay umiikot sa planeta.
Layunin ng InSight na maghukay sa Mars at alamin ang interior ng planetang ito. Sa pamamagitan nito ay malalaman ng mga scientists ang ipinagkaiba ng Mars sa ating mundo na siyang nag-iisang planeta na kayang pamuhayan ng mga tao.
Wala pang sakay na life detector ng InSight, ngunit ito naman ang susunod na misyon ng NASA sa pamamagitan ng Mars 2020 rover.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.