Pangulong Duterte nais mag-ingat sa isyu ng illegal sa Chinese workers sa bansa

By Rhommel Balasbas November 28, 2018 - 03:25 AM

Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte ng ‘careful approach’ sa isyu ng pagdami ng illegal Chinese workers sa bansa.

Sinabi ng pangulo sa mga mamamahayag sa Bohol na dapat ideport ang mga ito ngunit dapat maging maingat sa pagresolba sa isyung ito.

Ito ay dahil libu-libong Filipino rin ang pumunta sa China bilang mga turista ngunit kalauna’y nagtrabaho rin.

“They should be deported but in the same manner, you should be careful because when you point at the Chinese, you’re also pointing at yourself. There are so many thousands of Filipinos working there, (who) went inside China as tourists and (started) working there,” ani Duterte.

Matatandaang nagsagawa ng imbestigasyon ang Senado tungkol sa paglobo ng bilang ng Chinese workers sa bansa at partikular na inalam kung naaagaw ba ng mga ito ang trabahong dapat ay para sa mga Filipino.

Ayon sa pangulo, hindi dapat palampasin ang problema ngunit dapat ay magkaroon ng maayos na arrangement para rito.

Giit pa ni Duterte, wala namang ipinadeport na kahit isang Filipino na nagtatrabaho mula sa China.

Kung magiging matigas anya sa isyung ito ay maaaring anumang hakbang na gawin ng bansa ay maaari ring mangyari sa mga Filipino.

“Wala naman silang dineport So maybe you can just tell them to go home. Otherwise, if you start to get rough on this issue, there is a distinct possibility that will also happen to you. When you sail your ship of state, you avoid turbulent waters,” dagdag ng presidente.

Sa imbestigasyon ng Senado, lumabasna sa 115,000 alien employment permits na inilabas ng gobyerno mula 2015 hanggang 2017, higit-kumulang 50,000 ang napunta sa mga Chinese nationals.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.