Poste ng MRT sinalpok ng bus, 25 sugatan

By Jan Escosio November 11, 2015 - 03:50 PM

edsa shaw2
Kuha ni Jan Escosio

Dalawampu’t lima katao ang sugatan makaraang salpukin ng isang bus ng Mannrose Liner na may plakang TXV 510 ang poste ng MRT sa Northbound lane ng EDSA malapit sa Shaw Blvd pasado ala-una ng tanghali kanina.

Bukod sa mga sugatang pasahero, nahagip din ng nasabing bus ang MMDA constable na si Dennis Marcos na nagmamando ng daloy ng trapiko sa kanto Shaw Blvd. at EDSA.

Tumagal din ng ilang minuto bago nahugot mula sa kanyang kinauupuan ng tsuper ng bus na hindi pa rin nakikilala hanggang sa mga oras na ito.

Ayon sa ilang mga nakasaksi, may kagitgitan umano na isa ring bus ang Mannrose Liner bago nawalan ng kontrol ang tsuper at nagtuloy-tuloy sa poste ng MRT.

Sa lakas ng pagkakasalpok ay nagtalsikan sa labas ng bus ang mga gamit ng mga pasahero.

Ang mga nasugatan ay mabilis namang isinugod sa VRP Medical Center at Mandaluyong Medical Center.

Sa kanyang paliwanag, sinabi ng Inspector ng Mannrose Liner na si Florentino Pena na dalawang araw pa lang na naglilingkod sa kanila ang tsuper ng nasabing bus.

TAGS: edsa, mannrose, Shaw, Vehicular accident, edsa, mannrose, Shaw, Vehicular accident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.