Pangulong Duterte nakapili na ng bagong Chief Justice
Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na nakapili na siya ng bagong Chief Justice.
Sinabi ng pangulo sa mga mamamahayag sa Carmen, Bohol na nilagdaan niya na ang appointment ng bagong Punong Mahistrado bago pa lisanin ang Maynila noong nakaraang gabi.
“I have appointed one. I have already signed the appointment before I left Manila the other night. So I’ve chosen one already,” ani Duterte.
Hindi naman pinangalanan ng presidente kung sino ang kanyang itinalaga sa pwesto.
Sinabi nito na hintayin na lamang ang official announcement kung sino ang kanyang itinalagang bagong CJ.
Ang bagong Punong Mahistrado ay papalit kay dating Chief Justice Teresita Leonardo-De Castro na nagretiro na noong Oktubre.
Sa shortlist ng Judicial and Bar Council, ang pinagpilian ng pangulo para sa bagong CJ ay sina acting Chief Justice Antonio Carpio, Associate Justices Diosdado Peralta, Lucas Bersamin, Estela Perlas-Bernabe, at Andres Reyes Jr.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.