15 Chinese arestado dahil sa illegal online gambling
Labing-limang Chinese nationals na sangkot sa illegal online gambling ang inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) sa magkahiwalay na operasyon sa Manila at Pampanga.
Naaresto noong November 22 sina Pan Jianbei, Pan Taiyuan, Jie Lu, Shengbo Zhang at Jian Lou Zhou.
Noong November 21 naman ay nahuli sa Angeles City, Pampanga sina Yu Shize, Lin Hai Yang, Li Jun Qing, Yu Wen Quian, Xiao Wen Lao, Cai Shui Rong, Lin Jingming, Ju Shi Lin, Qiu Zai Wei at Xiao Jian Ze.
Ayon kay NBI Director Dante Gierran, kakasuhan ang mga dayuhan ng paglabag sa Anti-Illegal Gambling Act na may kaugnayan sa Cybercrime Prevention Act.
Naaresto ang Chinese nationals sa bisa ng search warrant ng NBI Cybercime Division para sa raid sa isang condominium sa Malate, Manila dahil sa reklamo ng mga residente.
Nakumpisaka ang mobile WiFi, router, kopya ng mga pasaporte, one-time passport devices, smartphones, laptops at desktops.
Ang operasyon naman sa Pampanga ay base sa reklamo laban sa illegal online gambling activities sa bahay ng isang Li Kun Ling sa Punta Verde Subdivision.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.