Dapat anilang hayaan ang maayos na paglilipat ng operasyon sa bagong distribution utility sa ngalan na rin ng mga consumer na matagal nang nagtiis sa kanilang palpak na serbisyo.
Ayon sa konseho ng Iloilo City, ipinatawag na nila para magbigay ng briefing ang More Power and Electric Company para malaman ng lokal na pamahalaan ang mga gagawin nitong hakbang para masiguro na hindi maantala ang supply ng kuryente sa oras na magkaroon ng takeover ng operasyon.
Tiwala ang mga ito sa naunang pangako ng More Power na pagagandahin nito ang serbisyo ng kuryente na matagal na nilang inaangal sa PECO gayundin ay pabababain ang singil sa kuryente matapos na ring makumpirma sa isinagawang pag-aaral na ang Iloilo City ang may pinakamahal na kuryente sa buong bansa.
Sinabi ng mga residente na sa matagal na panahon ay isinantabi lamang ng PECO ang kanilang reklamo sa pag-aakalang walang katapusan ang kanilang prangkisa, ngayong hindi na ito hawak ng PECO at nailipat na sa More Power ay umaasa silang maluwag na ring tanggapin ng pamunuan ng PECO ang katotohanan na tapos na ang kanilang paghahari.
Sa ngayon ay may 1,800 reklamo mula sa consumers ang nakabinbin laban sa PECO kasama na dito ang overbilling.
Enero 18,2019 magtatapos ang prangkisa ng PECO na ang renewal application ay nanatiling nakabinbin at hindi inaaksyunan ng House Committee on Legislative Franchises.