OPAPP Sec. Jess Dureza nagbitiw sa pwesto

By Chona Yu, Den Macaranas November 27, 2018 - 08:58 PM

Inquirer file photo

Nagbitiw sa kanyang pwesto si Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) Sec. Jess Dureza.

Ito ang kinumpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte sa inagurasyon ng bagong gawang Bohol-Panglao International Airport.

Bagaman mabigat sa kanyang kalooban ay tinanggap ng pangulo ang resignation ni Dureza dahil sa delicadeza.

Magugunitang si Dureza ay isa sa mga pinaka-malapit sa pangulo na miyembro ng kanyang gabinete at kababayan niya sa Davao City.

Nauna dito ay sinabi ng pangulo na sinibak niya sa pwesto sina OPAPP Usec. Ronald Flores na siyang Undersecretary for Support Services and PAMANA National Program Manager at Asec. Yeshter Donn P. Baccay.

Sa kanyang pahayag ay sinabi ng pangulo na sinibak niya ang nasabing mga OPAPP officials dahil sa isyu ng katiwalian.

Ayon pa kay Duterte, “IUn fairness to sec dureza, maybe bec he is the head of the office. itong dalawa nagkalat.”

Hanggang sa ngayon ay wala pang inilalabas na opisyal na pahayag si Dureza at ang mga sinibak na opisyal ng OPAPP.

 

TAGS: Asec. Yeshter Donn P. Bacca, Jess Dureza, opapp, resignation, Usec. Ronald Flores, Asec. Yeshter Donn P. Bacca, Jess Dureza, opapp, resignation, Usec. Ronald Flores

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.