Duterte Death Squad ipantatapat sa Sparrow Unit ng NPA

By Chona Yu November 27, 2018 - 08:21 PM

Bubuo si Pangulong Rodrigo Duterte ng sariling armadong unit na ipangtatapat sa Sparrow Unit ng New People’s Army (NPA).

Sa pagbisita ni Pangulong Duterte sa Camp Rajah Sikatuna sa Carmen, Bohol para sa turn-over ng AFP at PNP housing unit, sinabi nito  na ipangtatapat niya ang kanyang sparrow like unit na Duterte Death Squad laban sa hit squad ng NPA.

Mga sibilyan aniya ang bubuo sa kanyang armadong unit.

Wala aniyang ibang gagawin ang mga miyembro ng Duterte Death Squad kundi ang bantayan ang mga istambay at galaw ng mga NPA members.

Kuntento na si Pangulong Duterte kung makapapatay ang kanyang DDS ng isang rebelde o makapag identify ng kalaban.

Iginiit pa ng pangulo na tatapatan niya ang talento ng NPA na walang ibang ginawa kundi ang pumatay ng tao at eksperto sa assasination.

“Mag-create ako ng Sparrow. Duterte Death Squad against the Sparrow. I will create my own Sparrow walang hanapin kundi mga istambay na mga tao prospective NPA’s at bibirahin sila,” ayon pa sa pangulo.

Sinabi pa ng pangulo na patuloy niyang pinagsusumikapan na isulong ang kapayapaan subalit patuloy namang pinapatay ng NPA ang mga pulis at sundalo.

TAGS: duterte death squad, NPA, sparrow unit, duterte death squad, NPA, sparrow unit

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.