Dagdag na excise tax sa yosi lusot na sa committee level sa Kamara

By Erwin Aguilon November 27, 2018 - 07:24 PM

Pasado na sa House Committee on Ways and Means ang panukala na nagtataas sa excise tax sa sigarilyo.

Aamyendahan ng ipinasang substitute bill ang National Internal Revenue Code as amended by the Republic Act 10351 o ang Sin Tax Reform Law.

Nakasaad dito na tataasan ang excise tax sa tobacco ng P2.50 kada taon simula July 2019 hanggang 2022.

Sa taong 2019, sa ilalim ng Train Law, ang bagong excise tax sa tobacco ay magiging P35 mula sa P30 kada pakete.

Kapag naging batas ang panukala magiging P37.50 kada pakete na ang excise tax sa July 2019 at karagdagang P2.50 kada taon hanggang taong 2022.

Sa taong 2020 ang tax rate ay magiging P40, P42.50 sa 2021 at P45 sa 2022.

Simula naman sa taong 2023 ay magkakaroon ng 4 percent na excise tax sa sigarilyo.

Ang makokolektang buwis dito ang magpopondo sa panukalang Universal Health Care Act.

TAGS: excise tax, train law, Universal Health Care Act., ways and means committee, excise tax, train law, Universal Health Care Act., ways and means committee

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.