Shabu shipment sa nailusot sa MICP umabot na sa Mindanao ayon sa PDEA

Inquirer file photo

Umabot na sa lalawigan ng Maguindanao ang shabu na bahagi ng shipment na nailusot sa Manila International Container Port (MICP) noong nakalipas na buwan ng Agosto.

Ang nasabing ulat ay kinumpirman ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Sinabi ni PDEA Spokesman Derrick Carreon na lumitaw sa kanilang ginawang imbestigasyon na ang shabu an nakumpiska kamakailan sa Ayala, Alabang, Sta. Cruz Maynila at mula sa lalawigan ng Maguindanao ay iisa ang source at manufacturer.

Naniniwala ang PDEA na ang shabu shipment na nakumpiska sa MICP na nagkakalahaga ng P2.4 Billion ay bahagi ng mas malaking shipment na nailusot sa pamamagitan ng ilang magnetic lifters.

Nauna nang lumabas ang mga balita na umaabot ang halaga ng nasabing shabu shipment sa P11 Billion.

Tiniyak naman ng liderato ng PDEA sa publiko na tuloy pa rin ang kanilang sariling imbestigasyon sa nasabing shabu shipment.

Ipinaliwanag pa ni Carreon na patuloy ang kanilang koordinasyon sa ilang ahensya ng pamahalaan para hanapin ang mga nawawalang bahagi ng nasabing mga naipuslit na droga.

Read more...