Inutusan na ng Malacañang ang Department of Labor and Employment (DOLE) na imbestigahan ang pagdagsa ng mga Chinese na manggagawa sa bansa na nagtatrabaho sa online gambling at constructions areas.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi makatwiran na mapunta ang oportunidad sa mga Chinese gayung maraming Filipino ang walang trabaho.
Sinabi pa ni Panelo na tama lamang ang ikinasang imbestigasyon ng Senado ukol sa naturang isyu para makagawa ng batas na papabor sa mga manggagwang Filipino.
Ayon sa Bureau of Immigration karamihan sa mga Chinese na nakapasok sa bansa ay sa pamamagitan ng tourist visa pero may naghihintay nang trabaho sa kanila sa pamamagitan ng kanilang contacts na Filipino-Chinese.
Samantala, tiniyak naman ng liderato ng B.I na tuloy ang kanilang paghahanap sa mga Chinese na iligal na nagta-trabaho sa ating bansa.