10-year cooperation program for infra nilagdaan ng Pilipinas at China
Nagkasundo ang Pilipinas at China na magkaroon ng sampung taong cooperation program para sa mga proyektong pang imprastraktura sa bansa.
Base sa memorandum of understanting na nilagdaan sa state visit ni Chinese President Xi Jinping noong nakaraang linggo tatagal ang proyekto mula November 2018 hanggang November 2028 na naglalayong paigtingin pa ang China’s belt and road initiative at Philippines long term vision.
Sakop ng MOU ang sektor ng transportatsyon, agrikultura, power, watershed management, telecommunications at iba pa.
Gayunman, hindi tinukoy sa kasunduan kung magkanong halaga ang ilalaan sa mga proyekto.
Nakahanda ang China na magbigay ng ayuda sa Pilipinas sa karanasan at resources lalo na sa usapin sa financing, consultation and design, engineering technology, management, at iba pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.