Malacañang: Panibagong diplomatic protest laban sa China di na kailangan

By Chona Yu November 27, 2018 - 03:37 PM

Suportado ng Malacañang ang naging pahayag ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin na wala nang saysay ang paghahain ng diplomatic protest laban sa China kaugnay sa ginawang pangha-harass ng Chinese Coast Guard sa newsteam ng GMA 7 sa Panatag Shoal.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, mas makabubuting daanin na lamang sa mabuting usapan ang naturang insidente.

Una rito, sinabi ni Locsin na mistulang binabato lamang ng papel ng Pilipinas ang brick wall ng China.

Sa ganitong paraan aniya, nagmumukhang mahina ang Pilipinas habang lumalabas na immovable naman ang ang nasabing bansa.

Ayon kay Panelo, tama lamang ang pahayag ni Locsin dahil wala rin namang mangyayari sa diplomatic protest.

Pero malinaw aniya ang mensahe ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat na igalang ng China ang Pilipinas lalo’t magkaibigan na ang turingan ng dalawnag bansa.

Nauna dito ay inilutang ng ilang tagasuporta ni Duterte ang impormasyon na nangyari ang insidente noong November 8 samantalang inilabas ang nasabing balita kung kailan nasa bansa si Chinese President Xi Jinping para sa kanyang state visit.

TAGS: China, DFA, Diplomatic PRotest, duterte, gma news team, locsin, Panatag shoal, panelo, Xi Jinping, China, DFA, Diplomatic PRotest, duterte, gma news team, locsin, Panatag shoal, panelo, Xi Jinping

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.