Pagbabantay sa social media accounts pinag-aaralang maisama sa Anti-Terrorism Bills
Sinabi ni Senator Ping Lacson na may panukala na maisama sa tinatalakay na Anti-Terrorism Bills sa Senado ang pagbabantay sa mga social media accounts.
Ayon kay Lacson sinabi ng mga resource persons na posible naman ang panukala kung igigiit ng gobyerno ang ‘police power.’
Ngunit sinabi ni Lacson na kailangan ng ibayong pag-iingat dahil maaring magkaroon ng paglabag sa freedom of speech o freedom of expression.
Aniya terorismo ang pinag-uusapan kayat dapat ay gawin ng gobyerno ang lahat para mapigilan ang anumang act of terrorism.
Binanggit pa ni Lacson na may bansa na legal na napapakialaman ang social media ng kanilang mamamayan kung makakadagdag pa ang mensahe sa banta ng terorismo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.