Pang. Duterte nagrereklamo sa partner na si Honeylet Avanceña: Inuna pa ang ang orphange kaysa sa ipagawa ang tumutulong bubong sa bahay

By Chona Yu November 27, 2018 - 12:49 PM

Hindi napigilan ni Pangulong Rodrigo Duterte na maglabas ng hinaing laban sa kanyang partner na si Honeylet Avanceña.

Sa talumpati kahapon ng pangulo sa inagurasyon ng Davao City Bulk Water Supply Project, sinabi nito na mayroon siyang pinasinayaan na orphange ng alas 2:00 kahapon.

Pero hiniling aniya ni Honeylet na huwag nang isapubliko kung saan ang naturang proyekto.

Ayon sa pangulo, nagulat siya dahil pagdating sa orphanage ay napakaganda ng pagkakagawa ng kwarto samantalang makailang beses na niyang hinihiling kay Honeylet na ipagawa ang bubong ng kanilang kwarto dahil sa tumutulo na at sira-sira na ang plywood.

Pero ang tugon lang daw sa kanya ni Honeylet ay magastos ang pagpapagawa.

Hinamon pa ng pangulo ang publiko na kung duda sa kanyang pahayag ay magtungo na lamang sa kanilang bahay sa Davao para tingnan na totoong tumutulo na ang bubong ng kanyang kwarto.

“Ah I… We were there to inaugurate an orphanage actually. Hindi iningay ng asawa ko, hindi iningay — hindi niya sinasabi. So I now realize I said I had this appointment ‪at 2 o’clock‬, ‘yun pala may — hindi ko na sabihin kung ano, saan. Basta may project siya. So pagkatapos sabi ko, ‘Ang galing mo ah. Sabi ko pa na magpa-improve ako ng kwarto pa dito sabi mo magastos. Ngayon pala kung orphanage gwapo kaayo (maganda masyado) ang… Mahusay ka na babae.’ Pero kung meron kang pera sa orphanage, pero ‘yung sa kwarto kong sige’g tulo, eh isahon na lang daw. Totoo. You can come to my house tonight. Puro langkat (sira/tear) na gud ang plywood,” ayon sa pangulo.

TAGS: honeylet avancena, Rodrigo Duterte, honeylet avancena, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.