Bulkang Mayon muling nagbuga ng abo ngayong umaga
By Erwin Aguilon November 27, 2018 - 12:18 PM
Nakapagtala ng apat na volcanic earthquakes ang Phivolcs sa Mayon Volcano sa nakalipas na magdama.
Alas 5:33 ng umaga ng Martes (Nov. .27) nagbuga muli ng abo ang bulkan.
Ayon sa Phivolcs, grayish hanggang grayish white na ash plumes ang ibinuga ng bulkang Mayon na may taas na 300 hanggang 500 metro.
Kahapon ng umaga, dalawang beses na nagbuga ng abo ang bulkan.
Nananatiling nasa alert level 2 ang umiiral sa Mayon Volcano.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.