Pang. Duterte nakukulangan sa mga adbokasiya sa climate change
Hindi kuntento si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga isinusulong na adbokasiya ukol sa climate change sa bansa.
Ayon sa pangulo, bagamat lumalakas ang panawagan sa climate change sa buong mundo, mistulang hindi naman nagiging compliant ang Pilipinas.
Iginiit pa ng pangulo na may fractured set-up ngayon sa buong mundo kung saan ang mga malalaking bansa ang hinahayaan na magbuga ng carbon dioxide o anumang monoxide na nakasisira sa kalikasan.
Matatandaang makailang beses nang sinasabi ng pangulo na ang climate change din ang dahilan kung kaya madalas nang tamaan ng malalakas na bagyo ang Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.