Bohol-Panglao Intl. Airport bubuksan na ngayong araw

DOTr Photo

Bubuksan na ngayong araw ang kauna-unahang eco-airport sa bansa na Bohol-Panglao International Airport

Pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapasinaya sa paliparan alas 4:00 ng hapon ng Martes (Nov. 27).

Ang nasabing paliparan na tinaguriang “Green Gateway to the World” dahil ginagamitan ito ng solar panels sa bahagi ng passenger terminal building.

Dahil sa nasabing solar panels, inaasahang maipoprovide nito ang 30% ng pangagailangan sa kuryente ng paliparan.

Ginawang 24/7 ang proseso ng kontruksyon ng nasabing paliparan mula nang maupo sa pwesto si Pangulong Duterte upang mapadali ang pagtatapos nito.

Inaasahang kayang ma-accommodate ng paliparan ang hanggang 2 milyong pasahero kada taon.

Read more...