PH scientist na si Fe Del Mundo kinilala ng Google
Binigyang pagkilala ng Google ang Filipino National Scientist na si Fe Del Mundo.
Ipinagdiriwang kasi ngayong araw, Nov. 27 ang ika-107 kaarawan ni Del Mundo.
Sa doodle ng Google, tampok si Del Mundo bilang isang manggagamot.
Makikita sa larawan ang paggamot ni Del Mundo sa isang bata.
Si Del Mundo ay ipinanganak sa Intramuros, Maynila noong 1911 at kilala bilang “Grand Dame of Philippine Pediatrics” at kauna-unahang babaeng na-admit sa Harvard Medical School.
Kinilala siya bilang National Scientist noong 1980.
Aug. 6, 2011 nang pumanaw si Del Mundo at ang mga labi niya ay nasa Libingan ng mag Bayani.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.