Sen. Trillanes handang magpakulong kahit sa Davao City

By Jan Escosio November 27, 2018 - 10:00 AM

Handa si Senator Antonio Trillanes IV na magpakulong maging sa Davao City kapag may nadiskubre si Pangulong Duterte na anomalya sa sinasabi nitong transaksyon ng kanyang mga magulang sa Philippine Navy.

Ayon kay Trillanes aabangan niya ang kalalabasan ng pag-iimbestiga sa mga naging transaksyon ng kaniyang namayapang ama na miyembro ng PMA Class 59, nagretiro noong 1988 at namayapa noong 1998 at ng kanyang 84-anyos na ina.

Ngunit buwelta ng senador kay Pangulong Duterte, kahit balatkayo lang ay magpakita man lang ito ng galit sa pagkakapuslit ng P6.4 bilyon halaga ng shabu sa Valenzuela City gayundin ang P11 billion shabu smuggling sa Cavite.

Dagdag ni Trillanes napapaghalata na may alam si Pangulong Duterte sa mga nailusot na shabu sa Bureau of Customs.

TAGS: Antonio Trillanes IV, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte, Antonio Trillanes IV, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.