3 patay sa pananambang sa Malabon

By Dona Dominguez-Cargullo November 27, 2018 - 07:51 AM

Patay ang tatlong katao sa insidente ng pamamaril sa Malabon.

Ang mga biktima na nakilalang si Marcos de Leon, presidente ng homeowner’s association sa Barnagay Tonsuya; Eduardo Esterno, adviser ng grupong Arya Progresibo at William Mortar.

Apat na lalaki ang pumasok sa bahay kung saan nagpupulong ang tatlo at doon sila pinagbabaril.

Nakuha mula sa pinangyarihan ng krimen ang apat na basyo ng bala ng kalibre 45 na baril.

Noong nakaraang linggo lamang pinatay din ang ang isang barangay kagawad sa Malabon na si Rodrigo Tambo.

Si Tambo ay limang taon nang lider ng Arya Progresibo at nagsisilbi ring political officer ni Malabon Mayor Len Len Oreta.

 

TAGS: Malabon, Radyo Inquirer, Shooting Incident, Malabon, Radyo Inquirer, Shooting Incident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.