Mexico hinimok ni Trump na pauuwin ang mga migrante; southern border permanenteng ipasasara

By Dona Dominguez-Cargullo November 27, 2018 - 07:37 AM

Hinimok ni US President Donald Trump ang Mexico na pauuwin ang mga migranteng Central Americans na humihirit ng asylum sa Amerika.

Ito ay matapos isara ng US authorities ang southern border nito at magpakawala ng tear gas ang mga otoridad sa mga migrante.

Ayon kay Rodney Scott, pinuno ng US Border Patrol umabot sa 42 ang naaresto nila sa nasabing tensyon.

Sa kaniyang Tweet, sinabi ni Trump na karamihan sa mga migrante ay pawang “stone cold criminals” kaya dapat magsiuwi ang mga ito.

Payo din ni Trump, isakay sa eroplano ang mga migrante pauwi sa kanilang lugar at huwag by land ang gawing pagbiyahe sa kanila.

Ani Trump, ipasasara niya ng permanente ang border ng Amerika, kasunod ng pag-utos sa kongreso na pondohan ang pagtatayo ng border wall sa lugar.

TAGS: central american migrants, Mexico, Radyo Inquirer, US Border, central american migrants, Mexico, Radyo Inquirer, US Border

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.