Hindi iaatras ng Pilipinas ang kaso laban sa China

November 11, 2015 - 12:42 PM

United-Nations-Arbitral-Tribunal-Hague-Philippines-vs-China-maritime-dispute-West-Philippines-Sea-South-China-SeaWalang balak ang Pilipinas na bawiin ang arbitration case na inihain sa International Tribunal laban sa China.

Ito ay kasunod ng pahayag ni Foreign Minister Wang Yu ng China na ang ginawang pagsasampa ng kaso ng Pilipinas ay nakahahadlang sa magandang relasyon sa pagitan ng dalawang bansa.

Ayon kay DFA Spokesperson Asec. Charles Jose, ang inihaing arbitration ng Pilipinas ay kinikilala sa buong mundo bilang mekanismo para sa isang sigalot sa usapin sa teritoryo sa ilalim ng international law.

Ang hakbang aniya ng Pilipinas ay maituturing na mapayapang solusyon sa territorial dispute. “We are determined to pursue the arbitration case to its logical conclusion,” ayon kay Jose.

TAGS: DFA said PH not keen on withdrawing the arbitration case vs. China, DFA said PH not keen on withdrawing the arbitration case vs. China

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.